Hindi malayo na mahigitan pa ng MT Princes Empress ang compensation claim sa lumubog na MT Solar sa Guimaras noong 2006.
Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, nasa P1.1 billion ang danyos na binayaran ng MT Solar sa may 26,000 mahigit na compensation claims.
Kaya naman kung ikokonsidera ang inflation at lawak ng pinsala ng MT Princess Empress oil spill ay mas malaki pa sa P1.1 billion ang babayaran ng kompanya ng lumubog na barko.
“If we look back at the MT Solar incident, a total of P1.1 billion was paid to settle 26,872 compensation claims, including those filed by owners of beach resorts, tour boat operators, and other tourism service providers hit by the 2006 oil spill,” saad ni Rillo.
Dagdag pa ng kinatawan na tiyak na maghahain ng compensation claim ang tourism related sector na apektado ng pagtagas ng langis maliban pa sa mga mangingisda, seaweed farmers at fishpond operators.
Punto pa ng mambabatas, maaari ring maghabol ng danyon ang local government units dahil sa dagdag trabaho para sa kanilang tauhan para sa paglilinis, gayundin ang mga kinuhang cotnractors maging ang Philippine Coast Guard.
Hanggang nitong March 23, nasa 20,932 na mangingisda, 61 tourism establishments at 750 community based organizations sa Oriental Mindoro ang inaasahang maghahain ng claims.
Isang “Claims Caravan: na ang inilunsad ng lalawigan sa Calapan City upang magsilbing claims collecting point ng mga apektado ng oil spill. | ulat ni Kathleen Forbes