Maglulunsad rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Cash-for-Work Program sa ilang lugar sa Batangas na apektado na rin ng oil spill.
Layon ng CFW program na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilyang natigil ang kabuhayan dulot ng oil spill lalo na ang mga mangingisda.
Ayon sa DSWD, kasalukuyang pinoproseso na nito ang pagdownload ng pondo sa mga LGU sa Batangas para masimulan na ang CFW program.
Inisyal na target ng ahensya na maabutan ng tulong ang nasa 2,000 indibidwal sa lalawigan.
Kabilang sa ikinukonsidera ang mga residente mula sa munisipalidad ng Mabini, Bauan, Lobo, San Luis, San Pascual, Tingloy, at pati na sa Verde Island.
Nauna nang iniulat ng DSWD na higit sa 19,000 na mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at Antique ang kasalukuyang benepisyaryo na ng Cash-for-Work Program. | ulat ni Merry Ann Bastasa