GAD Activity, isinagawa ng Phil. Army sa pagtatapos ng Women’s Month celebration

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photo: Pvt. Divino Lozano PA/OACPA

Nagsagawa ng Gender and Development (GAD) Activity ang Philippine Army sa Loreland Farm Resort, Antipolo, Rizal, sa konklusyon ng isang buwang pagdiriwang ng Women’s Month 2023.

Sa tatlong araw na aktibidad, tinalakay ang mga gender-sensitive na isyu na nakakaapekto sa mga sundalo sa trabaho at sa lipunan.

Ang closing ceremony ay pinangunahan ni Philippine Army Vice Commander Brigadier General Steve D. Crespillo.

Photo: Pvt. Divino Lozano PA/OACPA

Naging panauhing pandangal sa programa si Cotabato Governor Hon. Emmylou Taliño-Mendoza, kung saan kanyang ipinaabot ang kanyang pasasalamat sa mga lalaki at babae ng Philippine Army sa kanilang serbisyo sa mga mamamayan.

Photo: Pvt. Divino Lozano PA/OACPA

Pinuri din ng gobernador ang mga inisyatiba ng Philippine Army sa pagsulong ng gender-equality sa kanilang hanay. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us