Higit ₱43-M halaga ng tulong, naipagkaloob ng Nat’l Gov’t, NGOs sa mga apektado ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

????? ₱??-? ?????? ?? ??????, ???????????? ?? ???’? ???’?, ???? ?? ??? ???????? ?? ??? ?????

Nasa ₱43.35 milyon na halaga na ng tulong ang naipaabot sa 74 na lugar sa Region IV-B (MIMAROPA) at Region VI (Western Visayas) na apektado ng oil spill, mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero.

Sa ulat ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nito na bahagi na ng ayudang ito ang food packs, medicine kits, at iba pang non-food items mula sa Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), local government units (LGUs), at non-government organizations (NGOs).

Ayon sa kalihim, nasa higit 31,000 pamilya o higit 143,000 na indibidwal ang naapektuhan mula sa 122 barangay.

Nasa higit 13,000 mangingisda naman ang naapektuhan ang kabuhayan.

Hindi naman bababa sa 169 na indibidwal ang napaulat na nasaktan o nagkasakit dahil sa oil spill.

Kung matatandaan, nasa 10 bayan na ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa insidente.

Kabilang dito ang Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, Roxas sa Oriental Mindoro, at Caluya, Antique.

Una nang ipinag-utos ng Punong Ehekutibo na bilisan na ang paglilinis sa tumagas na langis. | ulat ni Racquel Bayan

?: DSWD Western Visayas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us