Higit 19,000 apektado ng oil spill, nakikinabang na sa cash-for -work program ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photo courtesy of DSWD MIMAROPA

Aabot na sa 19,895 na mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at Antique ang kasalukuyang benepisyaryo ng Cash-for-Work (CFW) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layon ng CFW program na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilyang natigil ang kabuhayan dulot ng oil spill lalo na ang mga mangingisda.

Idinideploy ang mga ito sa iba’t ibang gawain gaya ng pangongolekta ng mga materyales para sa improvised oil spill boom; pagbuo ng barangay o backyard gardens; mangrove rehabilitation; at community clean-up drives.

Kapalit nito ay makakatanggap sila ng katumbas na daily regional minimum wage na P355 kada araw sa Oriental Mindoro, P450 kada araw naman sa Antique.

Sa kasalukuyan, aabot na sa P3.1 milyon ang nailabas na pondo ng DSWD para sa unang batch ng mga benepisyaryo sa Bulalacao at Pola sa Oriental Mindoro at Caluya sa Antique Province.

Kaugnay nito, pinaplano rin ng ahensya na palawigin ang 45 araw ang implementasyon ng CFW program sa mga apektadong lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us