ilang mamimili, handang pumila sa Kadiwa stores para sa murang asukal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news para sa ilang mamimili ang plano ng Department of Agriculture na ibenta sa Kadiwa stores ang mga nasabat nitong asukal.

Kabilang dito si Aling Agnes na nagtitinda ng turon, bananaque at ginataang bilo bilo. Aniya, kung malaki ang matitipid niya ay walang problemang pumila sa Kadiwa stores.

Ganito rin ang sinabi ni Nanay Novalin na nagluluto naman ng kakain at matagal nang suki ng Kadiwa. Katunayan, isa rin daw siya sa tumangkilik noong may ₱70 kada kilo na asukal sa SRA.

Pinaboran naman ni Mang Aldrin na may negosyong samalamig ang hakbang ng gobyerno na ibenta nalang sa publiko ang mga nakumpiskang asukal kesa sirain o ipa-auction muli.

Batay sa pinakahuling monitoring ng DA Bantay-Presyo, naglalaro pa sa ₱86-₱110 ang presyo ng kada kilo ng refined sugar, ₱80-₱95 naman ang kada kilo ng washed sugar sa mga merkado sa Metro Manila.

Tina-target ng DA na maibenta ang mga nakumpiskang asukal sa Kadiwa stores sa susunod na buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us