Isang Chinese national, arestado sa Taguig City dahil sa panunuhol sa pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang Chinese national na nagtangkang suhulan ang mga pulis sa Taguig City.

Kinilala ng Taguig City Police Station ang suspect na si Bin Li na nagtatrabaho bilang sales manager.

Ayon sa Pulisya, nagtungo si Li sa Fort Bonifacio Police Substation para sunduin ang kaibigan na nakakulong dahil sa iligal na droga.

Nag-alok ito ng ₱100,000 sa mga pulis kapalit ng pagkakalaya ng kanyang kaibigang Chinese national na kinilalang si Deng Jiliang.

Hindi tinanggap ng mga pulis ang suhol ni Li at agad siyang inaresto.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Law.

?: SPD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us