Isang lalaking nang-hostage sa kanyang bunsong anak, arestado sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang 31 taong gulang na lalaki nang i-hostage nito ang anim na taong gulang na anak na babae sa kanilang bahay sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Hepe ng Barbosa Police Station, tumawag ang isang concerned citizen na dinala ng suspect ang bata sa rooftop at itinago sa kwarto.

Bitbit ng lalaki ang tari ng manok bilang panakot sa bata.

Para mapahupa ang sitwasyon, nag-usap ang suspek at asawa nito habang palihim na nag-abang ang mga pulis at SWAT.

Nang magbigay ang babae ng signal, agad na sinalakay ang kwarto at nasagip ang batang hinostage.

Dagdag ni Mupas, bago ang hostage taking ay nagkaroon ng alitan ang mag-asawa at kinalaunan ay umalis ng bahay ang asawa ng suspek.

Aniya, motibo lamang ng suspek na makausap ang kanyang asawa matapos ang kanilang away.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek. | ulat ni Bernard Jaudian

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us