Lalaking nag-amok, nahulihan ng granada, baril at droga sa Las Piñas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kulungan ang bagsak ng isang indibidwal sa matapos mahuli sa isinagawang Oplan Galugad ng mga operatiba ng Las Piñas City Police.

Nag-ugat ang operasyon makaraang makatanggap ng tawag mula sa mga concerned citizen ang mga pulis na mayroong nag-aamok na lalaking may dalang baril sa Brgy. CAA, Las Piñas City.

Kinilala ang 20 taong gulang na suspek na si Jhonrick Salangsang na nakuhaan ng isang 9mm na baril na kargado ng bala, isang granada at sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P5,000.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa kasong RA 10591, RA 9516 at RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2022. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us