LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, tuluyan nang kinansela ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Philippine National Police o PNP na kanselado na ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na nakitaan ng discrepancy ang LTOPF ng dating gobernador

Aniya, lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Firearms and Explosives Office na iba ang pirma ni Teves sa kaniyang LTOPF kung ikukumpara naman sa ibang dokumento.

Batay sa datos ng PNP, sinabi ni Fajardo na nasa 28 baril ang sinasabing pagmamay-ari ng dating gobernador taliwas sa sinasabi ng kaniyang mga abogado.

Dahil dito, hinikayat ni Fajardo ang dating Gobernador Teves na isuko na lamang sa mga awtoridad ang mga nabanggit na armas.

Magugunitang sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang sugarmill compound na pagmamay-ari ni Teves sa Sta. Catalina kung saan nakita ang samu’t sari at matataas na kalibre ng armas gayundin ng bomba. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us