Mabagal na pagproseso ng SSS retirement claims, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na magkaroon ng imbestigasyon sa Senado tungkol sa napaulat na reklamo ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa mabagal na pagproseso ng kanilang mga benepisyo, partikular ang kanilang retirement claims.

Sa paghahain ng Senate Resolution 544, iginiit ni Tulfo na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga claim ay perwisyo sa retirees, lalo pa sa mga umaasa sa kanilang mga benepisyo para pangtustos sa pang araw-araw na gastusin.

Ayon sa senador, dapat malaman ang mga dahilan ng pagkaantala sa pagproseso ng mga claim at ang mga hakbang na ginagawa ng SSS upang matugunan ang mga isyung ito.

Kailangan rin aniyang malaman ang mga reporma na maaaring ipatupad upang mapabilis ang pag-claim ng mga benepisyo, tulad ng paggamit ng digital technology.

Nais ring matukoy ng mambabatas kung mangangailangan ba ng karagdagang pondo at manpower para suportahan ang SSS sa pagproseso ng claims, at ang posibleng pagtatatag ng monitoring system para sa mga claim. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us