Mahigit ₱1-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang drug suspek na itinuturing ding High Value Target o HVT ng Philippine National Police (PNP) matapos ang ikinasang operasyon nito sa Sitio Culasisi, Brgy. San Luis, Antipolo City.

Kinilala ni Rizal Provincial Police Office Director, P/Col. Dominic Baccay ang naaresto na si Rico Abit alyas Christian, 29 anyos at residente ng Quezon City.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 150 gramo at nagkakahalaga ng ₱1,020,000.

Dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang iligal na droga para isailalim sa tamang documentation at disposition.

Habang nakapiit naman sa Antipolo Custodial Facility ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Jaymark Dagala

?: Rizal PPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us