Mahigit 800 sako ng oil contaminated debris, nakolekta ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng Oil Spill Recovery Operation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 894 na sako na ng oil contaminated debris, habang 77.5 na drum naman ng waste for treatment ang nakolekta ng pamahalaan sa nagpapatuloy na clean-up drive nito, kasunod ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress noong ika-28 ng Pebrero sa Naujan, Oriental Mindoro.

Kaugnay nito, ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapaigting pa ng clean-up operation, kasabay ng pagtitiyak na magpapatuloy ang pagtulong ng gobyerno sa mga apektadong residente, kabilang na ang cash for work program.

“President Marcos has instructed government agencies to intensify their cleanup operation on the oil spill in Oriental Mindoro. The chief executive has also assured the affected communities that the government will extend assistance particularly through the cash-for-work program” —Secretary Garafil.

Aniya, ang mga eksperto at coast guard ng ibang bansa ay nag-alok na rin ng tulong sa Pilipinas, upang ma-contain ang tumagas na langis.

Sa March 20, inaasahang darating sa bansa ang response team mula sa Japan, na mayroong Remotely Operated Vehicle o ROV.

Sa naging ulat aniya ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Marcos, binanggit ng kalihim na ang Philippine Coast Guard (PCG) ay naghahanap na ng alternatibong ROV, mula sa local source, para sa detection at recovery ng tumagas na langis. | ulat ni Racquel Bayan

?: Philippine Coast Guard

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us