Manhunt sa suspek sa pagpatay sa estudyante ng La Salle University sa Dasmariñas Cavite, ipinag-utos ni Gen. Azurin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pinaigting na manhunt operation para madakip sa lalong madaling panahon ang suspek sa pagpatay sa estudyante ng La Salle Unibersity sa Dasmariñas, Cavite na si Queen Leanne Daguinsin.

Sa ambush interview sa Camp Crame, kinilala ni Gen. Azurin ang suspek na si Angelito Erlano, alyas “Kulet”, na residente ng Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City, Cavite.

Sa isinagawang operasyon ng Cavite Police, narekober sa bahay ni Erlano ang T-shirt at short na umano’y suot ng suspek nang patayin ang biktima sa loob ng dormitoryo, at isang bag na pinaniniwalaang pag-aari ng biktima.

Base sa tala ng PNP, dati na ring naaresto si Erlano sa kasong robbery.

Kasabay ng pagkondena sa krimen, nanawagan din si Gen. Azurin sa publiko na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang impormasyon na makakatulong sa pagdakip ng suspek. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us