Sasailalim sa evaluation at treatment ang 22 taong gulang na estudyante sa kursong BS Computer Science ng UST matapos masagip ng mga tauhan ng Manila police sa tangkang magpatiwakal nito.
Base sa ulat, nagtangkang tumalon mula sa roof deck ng may 24 na palapag na Blessed Pier Giorgio Frasatti building ng unibersidad ang estudyante.
Kabilang sa rumesponde ang rescue team ng MPD at BFP na agad namang nakuha ang estudyante at ligtas itong ibinaba.
Ayon pa kay MPD Dir. P/ Bri.Gen Andre Dizon , hindi nagsayang ng panahon ang mga rescue team sa pakikipagnegosasyon sa opisyal ng UST kaya’t ligtas na nakuha ang estudyante.
Samantala, patuloy pang nag-iimbestiga ang MPD kaugnay ng nangyaring insidente. | ulat ni Paula Antolin