Mga luluwas ng probinsya ngayong Semana Santa, pinayuhang magpa-book ng maaga para iwas abala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayon pa lang ay pinapayuhan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko na magpareserba na ng kanilang ticket pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni
LTFRB Technical Division Head Joel Bolano na may sapat pang panahon para gawin ito nang sa gayon ay makaiwas sa pakikipagsiksikan at paghihintay ng matagal sa mga terminal.

Sinabi ni Bolano na may dalawang linggo pa ang nalalabi bago ang Semana Santa kaya’t mas makabubuti na magpa-book ng maaga.

Mahirap aniya ang mag-chance passenger gayung walang katiyakan ang mga ito kung mayroon pang masasakyan.

Kaugnay nito’y nagpaalala din ang LTFRB official na kailangan pa ring gawin ang kaukulang health protocols sa loob ng public utility vehicle. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us