Kalaboso ang dalawang high value individuals na umano’y mga tulak ng iligal na droga sa Antipolo City, Rizal.
Kinilala ang mga suspect na sina Frenlie Paolo Valledor at Ailyn Daep na pawang mga residente ng lungsod.
Nasabat sa kanila ang 500 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4-million pesos.
Nahaharap sina Valledor at Daep sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
?: Rizal PPO