Posibleng nasa 300,000 hanggang 400,000 litro na lang ng kargang industrial fuel oil ng lumubog na MT Princess Empress ang natitira.
Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, ay inaalam na nila kung mare-recover ang mga natitirang langis.
Nabawasan aniya ang kargang langis ng oil tanker dahil sa unti-unting pagbulwak ng langis kung saan una nang nakitaan ito ng 23 tagas.
Matatandaang nasa 822,000 litro ng industrial fuel oil ang karga ng MT Princess Empress.
Sa natanggap aniya niyang report ay wala ng laman ang apat na tangke sa likurang bahagi ng barko.
Pero may apat na tangke pa aniya ang may laman na siya umanong pinagmumulan ng oil leak. | ulat ni Lorenz Tanjoco