NCRPO, magpapakalat ng higit 400 Female Police Officers na magsisilbing Customer Relation Officers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 446 na female police officers ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsisilbing customer relations officer sa bawat major precints sa kalakhang Maynila.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Edgar Allan Okubo, ang nasabing bilang ng babaeng pulis ay dadaan sa masusing pagsasanay tulad ng in depth training sa customer relations.

Ito ay upang mas maging maayos ang pagharap ng mga ito sa bawat complainant.

Dagdag pa ni Gen. Okubo, na asahan pa ang maraming pagbabago sa hanay ng NCRPO.

Dahil sa muling pagbabalik ng revitalized police sa barangay, kung saan mas papaigtingin pa nito ang police visibility sa bawat komunidad sa NCR. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us