Welcome sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU ang pagkakapasa ng Bangsamoro Transition Authority o BTA sa Bangsamoro Authority Act No. 35 o ang Bangsamoro Electoral Code.
Ito’y matapos makakuha ng 64 boto, pabor, walang kumontra at walang abstention na siyang magpapatibay para sa gagawing mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa 2025 at mga susunod pang taon.
Ayon kay OPAPRU Sec. Isidro Purisima at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Ahod Balawag, magandang development ito lalo’t makapamimili na ang Bangsamoro ng kanilang pinuno.
Umani anila ng suporta ang nasabing batas dahil kabilang na ang iba’t ibang sektor tulad ng mga babae, kabataan, katutubo, settler communities, traditional leaders at mga Ulama sa bubuo ng bagong Bangsamoro Government.
Sa pagkakapasa ng Electoral Code, sinabi nila Purisima at Balawag na nagbunga na ang mga pagsusumikap ng Administrasyong Marcos para sa pangmatagalang Kapayapaan sa Mindanao. | ulat ni Jaymark Dagala