Pagtatag ng specialty centers sa mga ospital ng DOH, pinagtibay sa ikalawang pagbasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bago tuluyang mag-adjourn ang Kongreso ay pumasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7751 o panukala para magtayo ng mga specialty center sa mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health (DOH). 

Sa ilalim nito, inaatasan ang DOH na bigyang prayoridad ang pagtatatag ng mga center para sa 17 specialties gaya ng cancer care, brain and spine care, renal care and kidney transplant, trauma care, infectious disease and tropical medicine, mental health, at geriatric care.

Ang mga specialty center ay itatayo sa mga Level 3, apex o end-referral hospital na pinangangasiwaan ng DOH. 

Ang specialty hospitals tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center, at ang Philippine Cancer Center ang mangunguna sa pagbuo ng polisiya sa operasyon ng naturang specialty centers gayundin ay magbibigay ng training at technical assistance upang matiyak ang dekalidad na serbisyo.

Isasama naman sa taunang budget ng DOH ang pondo na kakailanganin para dito.

Isa ang panukala sa priority legislation ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us