Pagtugon sa oil spill ng gobyerno, nasa tamang landas — DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na nasa tamang landas ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtugon sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang inihayag matapos ang isang pagpupulong kasama ang Japan Disaster Relief (JDR) expert team at Philippine Coast Guard (PCG) Incident Management Team sa Oriental Mindoro.

Ibinahagi ng mga Japanese expert ang kanilang obserbasyon sa shoreline clean-up operations sa Barangay Buhay na Tubig, Pola, Oriental Mindoro.

Sinabi ng expert team na ang joint clean-up operations ay epektibong nakabawas sa epekto ng oil spill sa coastal area.

Hiniling ni Coast Guard Commodore Tuvilla sa Japan expert team na bigyan ang PCG ng opisyal na ulat sa mga obserbasyon sa malayo sa pampang at baybayin sa patuloy na pagsisikap sa pagtugon para sa pag-monitor ng sitwasyon. | ulat ni Janze Macahilas

?: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us