Panukalang amyenda sa AFP Fixed Term Law, aprubado na sa Bicameral Conference Committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas tungkol sa pag amyenda sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Fixed Term Law.

Matapos ang higit apat na oras na deliberasyon kagabi, napagkasunduan na ng bicam panel ang magkaibang probisyon ng Senate Bill 1849 at ng House Bill 6517.

Sa ilalim ng bicam version ng panukala, itatakda sa 57 years old ang retirement age para sa lahat ng military officers, maliban sa AFP Chief of Staff.

Ipinapanukala na mag-retire ang AFP Chief of Staff oras na makakumpleto na ito ng tour of duty o oras na ipag-utos na ng pangulo ng bansa.

Matatandaang urgent bill ang panukalang amyenda ng AFP fixed term law.

Target na maratipikahan ang naturang panukala ngayong araw, sa huling sesyon ng kongreso bago ang kanilang session break. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us