Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa Lungsod ng Pasig simula ngayong araw hanggang sa susunod na linggo.
Ito ayon sa pamahalaang lungsod ay dahil sa mga isasagawang prusisyon o aktibidad na may kinalaman sa paggunita ng Semana Santa 2023.
Simula kaninang alas-6 ng gabi, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalye:
1. R. Jabson St. (Bambang, Malinao)
2. M. H. Del Pilar St. (San Nicolas, Sto. Tomas)
3. E. Angeles St. (Sagad)4. Dr. Pilapil St. (Sagad)
5. Dr. Sixto Antonio Ave. (Kapasigan)
6. A. Mabini St. (Kapasigan)
7. Plaza Rizal Intersection
8. P. Burgos St.
9. Lopez Jaena St.
10. Dr. Garcia St.
Ganito na rin ang aasahan sa Abril 3 o Lunes Santo, Abril 5 o Miyerkules Santo, Abril 7 o Huwebes Santo, at Abril 9 o Linggo ng Pagkabuhay.Dahil dito, hinihikayat ng Pasig LGU ang mga motorista na bumisita sa kanilang Facebook page, para alamin ang mga alternatibong ruta kaugnay ng gagawing aktibidad. | ulat ni Jaymark Dagala