Pilipinas, open for business — Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Pilipinas sa pagtanggap ng mga dayuhang turista, mamumuhunan, at parliamentarians.

Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez sa idinaos na luncheon kasama ang mga ambassador mula sa Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF)-member-countries.

Aniya, asahan na ng kanilang parliamentarians ang mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas sa kanilang pagdalo sa 31st APPF Meeting na idaraos dito sa Pilipinas ngayong taon.

Ibinida rin nito ang itinutulak na Maharlika Investment Fund na inaprubahan ng Kamara gayundin ang hakbang ng kapulungan para sa pag-amyenda ng mahigpit na economic provisions ng Saligang Batas na kapwa layong makahikayat pa ng mamumuhunan sa Pilipinas at makapagbukas ng dagdag trabaho para sa mga Pilipino.

“Two of our more promising initiatives is the Maharlika Investment Fund (MIF) proposal and the efforts to amend the economic provisions of our existing Constitution through a Constitutional Convention. These measures, we at the House of Representatives believe, will help create a more vibrant economy not only for the Philippines but also for the countries in the Asia-Pacific Region, by reducing, if not, totally eliminating economic barriers to investments. Indeed, there are so much more to look forward to,” saad ni Romualdez.

Pinasalamatan naman ni Romualdez si Senate President Juan Miguel Zubiri at ang Senado sa pangunguna sa pag-organisa ng pulong.

Kasabay nito ay kinilala rin ng House leader ang malaking papel ng APPF bilang plataporma kung saan maisusulong ng Asia-Pacific parliamentarians ang regional peace and security, sustainable development at regional cooperation. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us