Plano na palitan ng mga babaeng pulis ang mga Desk officers sa Police Stations sa MM, welcome sa mga senadora

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng maging solusyon sa under-reporting at under recording ng mga kaso, lalo na sa kaso ng gender-based violence, ang pagtatalaga ng mga babaeng pulis bilang mga Desk officer.

Ito ang pahayag ni Senador Grace Poe matapos sabihin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Edgar Okubo na nais niyang palitan ng mga babaeng pulis ang mga Desk officer sa mga Police Station sa Metro Manila.

Punto ni Poe, batid naman na ang mga babae ay mas compassionate at mas madaling lapitan ngunit matatapang at determinado.

Sa kabila nito, hindi aniya dapat malimitahan ang NCRPO na gumawa ng mga hakbang para maging mas gender-sensitive ang mga lalaking miyembro ng kanilang hanay.

Umaasa naman si Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros na hindi mata-typecast o malilimita sa posisyong ‘customer relations’ ang mga babaeng pulis.

Binigyang-diin ng senador na ilang beses nang napatunayan ng mga babaeng pulis ang kanilang kakayahan sa anumang papel kaya hindi dapat sila malimita lang bilang Desk officers.

Inaantabayanan rin aniya ng mambabatas ang panahon na magkakaroon ang ating bansa ng unang babaeng hepe ng Pambansang Pulisya.

Umaasa si Hontiveros na ang mga babaeng nasa Police force ngayon ay makatutulong para mas maging makatao, inclusive, at rights-based ang Kapulisan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us