PNP, kinumpirmang may Private Armed Group ang magkapatid na Teves sa Negros Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na may pinatatakbong Private Armed Group (PAG) si dating Negros Oriental Governor Henry Pryde Teves.

Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. kasunod ng isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa opisina ng dating governor sa Sta. Catalina, Negros Oriental, kamakailan.

Nasamsam sa isinagawang operasyon ang samu’t sari at matataas na kalibre ng armas gayundin ang iba’t ibang uri ng mga bomba o pampasabog na pagmamay-ari ng dating gobernador.

Ayon kay Azurin, tinitingnan na nila kung nagamit na rin ang mga nasamsam na armas sa iba pang mga krimen sa lalawigan kaya’t ito ang sentro ng ginagawang imbestigasyon ng Firearms and Explosives Office (FEO).

Sa panig ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Andres Centino, sa unang tingin pa lamang sa dami ng mga armas kumpiyansa siyang nagamit na ang mga armas na ito sa ibang masamang aktibidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us