PNP, walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad sa papalapit na Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

All systems go na para sa Philippine National Police (PNP) ang latag ng kanilang seguridad para sa taunang paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.

Kasunod nito, sinabi ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, na wala naman silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad para sa nasabing okasyon.

Una nang sinabi ng PNP, na magpapakalat sila ng nasa 77,000 mga pulis sa buong bansa para tutukan ang pagbabantay sa areas of convergence partikular ang mga simbahan.

Mahigpit ding babantayan ng Pulisya ang iba pang matataong lugar tulad ng palengke, terminal ng bus, mga pantalan, paliparan at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us