Walang naging pagbabago sa posisyon ng Kamara sa pamamaraan ng pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa isang statement, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na ang Constitutional Convention (Con-con) ang inaprubahang paraan ng Mababang Kapulungan para sa isinusulong na Charter Change (Cha-cha).
Kung mayroon mang ibang nais ang Senado ay discretion na ito ng Mataas na Kapulungan.
“What the House of Representatives approved was the Constitutional Convention mode of amending the restrictive provisions that prohibit the entry of foreign investments. If the Senate wants a different mode, that is their discretion.” ani Romualdez
Ang paglilinaw ni Romualdez ay kasunod nang naging pahayag ni Leyte Representative Richard Gomez na pumayag na umano ang Kamara na sa pamamagitan ng Constituent Assembly gawin ang Cha-cha.
Kamakailan nang magpulong ang PDP-LABAN na dinaluhan ni Gomez kasama si Senate Constitutional Amendments Chair Robinhood Padilla.
Dito bagamat suportado ang Cha-cha ay mas pabor ang mga ito sa ConAss.
Pagtitiyak naman ng House leader, na bukas ang pinto ng Kamara para sa diyalogo hanggang sa magkasundo ang dalawang Kapulungan sa kung paano gagawin ang amyenda.
Maaari aniyang isumite ng Senado ang kanilang bersyon at aaralin ito ng Kamara.
“The House leadership, however, is willing to open discussions with the Senate on their preferred mode of amending the Constitution if that will lead to an agreement between the two chambers. We are open to consider any proposal of the Senate and will submit such proposal to Members of the House. This was what I relayed to Rep. Richard Gomez when he informed me that senators are amenable to economic amendments but through Constituent Assembly.” paliwanag ng House Speaker
Kinilala naman ni Romualdez ang pagsisikap ni Padilla at Gomez na mapagkasundo ang Kongreso hinggil sa isyu. | ulat ni Kathleen Forbes