Umakyat na sa 60% ang progreso ng oil spill recovery efforts ng pamahalaan, mula sa mga lugar na apektado ng pagtagas ng langis, mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong ika-28 ng Pebrero.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni PCG Vice Admiral Rolando Punzalan Jr. na inaasahang mas magiging mabilis ang pag-aalis ng tumagas na langis sa mga apektadong coastlines dahil sa tulong ng coast guard at navy ng iba’ ibang bansa.
Halimbawa ang mula sa Japan, Estados Unidos, at Korea.
Kabalikat rin aniya nila ang mga eksperto mula sa France, maging ang US Navy.
Ayon sa opisyal, bagamat mahirap pang tukuyin kung kailan matatapos ang operasyon, sila sa PCG, puspusan aniya ang pagkilos, katuwang ang iba pang tanggapan ng pamahalaan at mga apektadong residente. | ulat ni Racquel Bayan