Rehabilitasyon ng ilang imprastraktura sa Maynila, patuloy na isinasagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pagsasagawa ng rehabilitasyon ng mga imprastaktura sa lungsod ng Maynila, iniulat ng pamahalaang lunsod ngayong Huwebes.

Ang instilasyon ng mga bagong streetlights at ang restoration ng mga sidewalk at manhole ay kabilang sa isinasaayos ng pamahalaang lungsod.

Nagpapatuloy ang rehabilitasyon ng mga imprastraktura sa ilalim ng Department of Engineering and Public Works, Manila na nagsimula nitong Miyerkules pa.

Isinasaayos din ang mga manhole/drainage, patuloy rin ang unclogging operations para sa mas mainam na drainage system sa kahabaan ng Lacson.

Dagdag pa rito, may mga grupo din na walang tigil ang pag-cable bundling sa limang mga barangay na may mga nakalawit na mga kawad para sa kaligtasan ng mga dumaraan at mga motorista. | ulat ni Paula Antolin

?: MANILA PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us