Search team sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3, nasa 40% na ang nagagalugad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 40 porsiyento na ang nagalugad ng search team mula sa MV Lady Mary Joy 3, habang nakasadsad ang barko sa pampang ng Baluk Baluk Island sa Basilan.

Ayon kay Commodore Rejard Marfe, Commander ng PCG district BARMM, masinsin at maingat ang grupo base na rin sa kalagayan ng barko habang naghahanap ang mga ito sa loob ng nito.

Aniya, wala pa namang bago o karagdagang bangkay ang natagpuan ngayong araw ng Biyernes sa pagpapatuloy ng search and rescue operations.

Ayon pa sa commodore, malaking bagay ang kalmadong panahon nang maganap ang trahedya, kung saan maraming tumulong at umabot sa 216 ang nasagip mula sa barko habang nananatiling nasa 29 pa rin ang bilang ng mga nasawi. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us