Sen. Bong Go, pinangunahan ang inspeksyon sa itatatag na Super Health Centers sa Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang Super Health Centers ang itatatag sa lalawigan ng Cebu bilang bahagi ng pagpapaunlad ng estado ng serbisyong pangkalusugan dito.

Dinaluhan mismo ni Senador Christopher “Bong” Go ang inspeksiyon sa dalawang sites nito sa bayan ng Cordova at Toledo City.

Nasa 9 na Super Health Centers ang layon nilang maitatag sa Cebu ngayong 2023.

Iminungkahi ni Go bilang chairman ng Committee on Health ang pagtatatag nito noong taong 2021 para sa hangaring mas mapalapit pa ang serbisyo sa mga tauhan.

Ang Super Health Center ay may sariling diagnostic center, out-patient department (OPD) kasama na ang mga iba’t ibang medical specialties, at emergency facility na magbibigay ng agarang pagtugon sa kani-kanilang health needs.

Bukod dito, binuksan din sa Cebu City Medical Center ang kanilang Malasakit Center.

Nasa 156 na ang mga Malasakit Centers na naitatag sa buong Pilipinas at pito dito ay nasa Cebu. | ulat ni Carmel Matus | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us