Sweldo, iba pang pribilehiyo ni Negros Oriental Rep. Teves, binawi matapos suspendihin ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binawi ng Kamara ang ilan sa pribilehiyo ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. kasunod ng pagkakasuspende nito ng 60 araw.

Miyerkules nang pagtibayin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Priveleges na suspendihin ang kinatawan dahil sa patuloy na pagliban kahit walang opisyal na leave at hindi pag-uwi kahit wala nang travel authority.

Paliwanag ni House Secretary General Reginal Velaco, batay sa Section 10 ng House Rules ang suspendidong miyembro ng Kamara ay hindi makakatanggap ng sweldo, kompensasyon, office space, at iba pang pribilehiyo.

Tuloy naman aniya ang pagsisilbi ng staff ng suspendidong kongresista.

Bagamat walang malinaw na panuntunan, maaaring magtalaga ang Kamara ng legislative caretaker para sa kaniyang distrito.

Bahagi ng 60-day suspension ni Teves ay matatapat sa Holy Week break ng Kongreso na mag-uumpisa ngayong araw, March 23 hanggang May 7.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us