Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang 10 outstanding Policewomen ng Police Regional Office (PRO) 8 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2023 National Women’s Month.
Kasabay ito ng command visit ng PNP Chief sa PRO-8 Headquarters sa Palo, Leyte kahapon.
Kabilang sa mga pinarangalan sina:
• Police Major Jennifer L. Medalla;
• Police Captain Maja C. Berenguel;;
• Police Captain Verna O. Cesista;
• Police Lieutenant Ma. Rosa C. Copino;
• Police Lieutenant Joyce Ann M. Kharil;
• PEMS Alma C. Advincula;
• Police Staff Sergeant Venus G. Abrigo;
• PSSg Mary Jane G Villezar;
• PSSg Rusella Mari D Austria; at
• PCpl Geraldine B Padoga.
Binati ng PNP Chief ang mga awardee at ang lahat ng tauhan ng PRO 8 sa pangunguna ni Regional Director Police Brigadier General Rommel Francisco Marbil, sa kanilang dedikasyon at commitment sa serbisyo publiko. | ulat ni Leo Sarne