US Ambassador to the Philippines at QC Mayor Joy Belmonte, lalo pang pinagtibay ang ugnayan ng Amerika at Lokal na Pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masayang bumisita si US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson sa Quezon City Hall para sa isang pagpupulong.

Sinalubong siya ni Mayor Joy Belmonte at mga opisyal ng pamahalaang lungsod, kung saan binigyan ito ng honorary welcome.

Kabilang sa mga tinalakay sa pagpupulong nina Carlson at Belmonte ay ang gagawing pagtulong ng Amerika sa Quezon City, lalo na sa usapin ng pagtugon sa COVID-19, digitalization ng mga serbisyo, at paniniguro sa pagbaba ng serbisyo sa mga mamamayan nito.

Namangha naman ang US Ambassador, dahil ipinakita ng alkalde ang iba’t ibang programa ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Tiniyak naman ni Carlson, na nakahanda ang United States of America sa suporta nito sa mga local government unit upang mapalakas ang social services sa taumbayan. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us