Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa selebrasyon ng National Women’s Month sa Quezon City Police District (QCPD) ngayong umaga.
Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangalawang Pangulo ang tagumpay ng QCPD na mapababa ang kaso ng VAWC o Violence Against Women and their Children sa lungsod.
Sa tala ng QCPD, bumaba sa 59 ang naitalang VAWC cases mula enero hanggang marso ng 2023 kumpara sa 77 VAWC cases noong nakaraang taon.
Umaasa si VP Sara na magpapatuloy ang kampanya ng QCPD Women and Childrens Protection desk sa pagsalba sa mga kababaihan at kabataang nalalagay sa panganib.
Sinaluduhan rin ni VP Sara ang mga babaeng pulis ng QCPD na namamayagpag sa kanilang serbisyo. Patunay aniya itong hindi nakabatay sa kasarian ang kakayahan ng isang tao.
Kasunod nito, inanunsyo rin ni VP Duterte na bukas itong makipagpartner sa QCPD para sa pagpapalawak ng mga benepisyaryo sa programa nitong ‘magnegosyo ta day’
Isa itong entrepreneurial project kung saan target na matulungan ang mga kababaihan at miyembro ng LGBTQ+ na makapagsimula ng livelihood projects. | ulat ni Merry Ann Bastasa