Sa patuloy na kampanya ng hanay ng militar na makamit ang pangmalawakang kapayapaan sa Mindanao, sumuko ang walong dating miyembro ng abu sayyaf group sa bayan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu.
Personal na sumuko ang mga ito sa sa headquarters ng 1103rd “Kalis” Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Taharuddin P. Ampatuan, Acting Brigade Commander ang naturang mga dating ASG members kabilang ang kanilang mga armas at mga bala na ginagamit nila sa pakikidigma sa hanay ng militar.
Ayon naman kay Joint Task Force Sulu Commander Maj. Gen. Ignatius N. Patrimonio, ito’y isang magandang indikasyon sa naturang lalawigan na unti-unti nang bumubuti ang peace and order situation sa lalawigan.
Dagdag pa ni Patrimonio, simula pa noong Enero ay umabot na sa 59 na ASG members ang sumuko sa panig ng pamahalaan at nasa halos 33 firearms na ang nai-surrender nito.
Muli namang nanawagan si Patrimonio sa mga natitira pang miyembro nito na magbalik-loob na sa pamahalaan upang mamuhay na ng mapayapa ang mga ito. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
?: 1103rd Infantry Brigade, Philippine Army