??? ??????? ?? ?????? ?? ??????? ???, ?????????? ?? 30-???? ?? ??-????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasailalim sa 30 araw na Character and Aptitude Development Training (CADET) program ang lahat ng sinibak na tauhan ng Bayawan City Police Station, para turuan ng values formation, internal discipline, Philippine National Police (PNP) ethical standards, at iba pa.

Ito ang sinabi ni Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, Spokesperson ng Special Investigation Task Group (SITG) Degamo, matapos i-relieve ni PNP Officer in Charge, Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia ang lahat ng 75 tauhan ng Bayawan PNP, kasama ang kanilang hepe.

Personal na pinangasiwaan ni Lt. Gen. Sermonia ang turnover, kung saan iniluklok si Police Lieutenant Colonel Stephen Amamaguid bilang bagong Chief of Police ng Bayawan.

Ang mga tauhan naman mula sa Regional Mobile Force Battalion ang pumalit sa 74 na nasibak na tauhan ng Bayawan PNP.

Ang hakbang ay sa gitna ng isinasagawang pursuit operations para sa mga nalalabing suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lt. Gen. Sermonia, na pinalakas ng pulis ang kanilang presensya sa tulong ng militar sa buong Negros Island para masiguro ang kapayapaan at kaayusan, habang walang tigil ang pagtugis sa mga iba pang suspek sa karumaldumal na krimen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us