????????? ?? ???, ?? ???????? ?? ?????????? ????????? ?? ?????? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na hindi maapektohan ang mga operasyon ng PNP sa Negros Oriental sa gitna ng malawakang balasahan ng mga pulis sa lalawigan.

Ang pahayag ni Fajardo ay matapos alisin sa pwesto and lahat ng 75 tauhan ng Bayawan City PNP at 56 na tauhan ng Sta. Catalina PNP kasama ang kani-kanilang mga hepe.

Ayon kay Fajardo ang mga inalis sa pwesto ay pansamantalang ililipat sa Police Regional Office 7 para sumailalim sa refresher course.

Habang ang mga ipinalit naman sa kanila ay nanggaling sa iba’t ibang Provincial Police Offices (PPO) sa ilalim ng PRO 7.

Ayon kay Fajardo, simula palang ito ng malawakang pagbalasa sa hanay ng PNP sa rehiyon, bilang pagpapatupad sa utos ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. dahil sa nangyaring pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Dagdag ni Fajardo kasalukuyang pinag-aaralan ng PNP ang bilang ng mga isasailalim sa reshuffle para naman hindi magkaroon ng vacuum doon sa mga aalisan nitong mga personnel na ililipat pansamantala. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us