????????? ?????? ??., ?????????? ??? ??????? ?? ?????????? ?????????? ?? ??? ????????? ?? ???????? ?? ??? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinangako ng Marcos Administration ang pagpapatuloy ng government assistance para sa mga pamilya at komunidad na apektado ng pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro , ika-28 ng Pebrero.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, nitong March 19, nasa 32,661 pamilya na sa MIMAROPA at Western Visayas ang apektado ng oil spill.

Ang national government, local government units (LGUs), at national government offices (NGOs) ay nakapamahagi na ng Php28.3 milyong halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong pamilya.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at mga lokal na pamahalaan ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng financial assistance at iba pang assistance sa mga apektadong residente.

Kaugnay nito, una na ring tiniyak ng Palasyo na nakikipagugnayan na ang pamahalaan sa iba’t ibang bansa, para sa pagpapaatuloy ng oil spill recovery efforts ng gobyerno. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us