Pangulong Marcos Jr., interesadong masaksihan ang live fire exercises sa Balikatan ng Pilipinas at US

Interesado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masaksihan ang live fire exercises, na bahagi ng Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Pahayag ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Medel Aguilar, nang tanungin kung magiging present ba ang pangulo sa Balitakan exercises, partikular sa Zambales. Sa briefing ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., interesadong masaksihan ang live fire exercises sa Balikatan ng Pilipinas at US

DND kay Cagayan Gov. Mamba: Wag tawaran ang kakayahan ng Pangulo sa Foreign Policy

Umapela ang Department of National Defense (DND) kay Cagayan Governor Manuel Mamba na huwag tawaran ang kakayahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng foreign policy decision na magsusulong ng pambansang interes. Ang pahayag ay kaugnay ng alegasyon ni Mamba, na nagsinungaling umano si DND Officer in Charge Carlito Galvez Jr. nang sabihin… Continue reading DND kay Cagayan Gov. Mamba: Wag tawaran ang kakayahan ng Pangulo sa Foreign Policy

Pamahalaan, tiniyak na iiral pa rin ang health protocols sa evacuation centers sakaling kailanganing magpalikas dahil sa bagyong Amang

Siniguro ng Office of Civil Defense (OCD) na iiral pa rin ang minimun health protocol sa mga evacuation facility, sakaling magpatupad ng paglikas dahil sa bagyong Amang. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni OCD Joint Information Head Diego Mariano na bukod sa family food packs, mamamahagi rin sila ng face mask sa mga magsisilikas,… Continue reading Pamahalaan, tiniyak na iiral pa rin ang health protocols sa evacuation centers sakaling kailanganing magpalikas dahil sa bagyong Amang

Vice President Sara Duterte, inihalintulad ang New People’s Army sa ilegal na droga

Muling umapela si Vice President Sara Duterte sa mga magulang na protektahan ang mga anak laban sa recruitment ng teroristang New People’s Army (NPA). Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Marilag Festival sa Sta. Maria, Laguna, inihalintulad ni VP Sara ang NPA sa ilegal na droga at mga kriminal na dapat ilayo sa mga kabataan.… Continue reading Vice President Sara Duterte, inihalintulad ang New People’s Army sa ilegal na droga

CHED, nagpaabot ng pasasalamat kay PBBM sa mga naging inisyatibo nito para patuloy na kilalanin ang seafarer certificate ng mga Pinoy ng EU

Nagpasalamat si Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng naging pagpupursige nito para patuloy na kilalanin ang seafarer certificate ng mga Pinoy ng European Union. Sa Malacañang press briefing, sinabi ni De Vera na mismong ang Pangulo ang siyang tumutok sa pagbibigay direktiba sa mga… Continue reading CHED, nagpaabot ng pasasalamat kay PBBM sa mga naging inisyatibo nito para patuloy na kilalanin ang seafarer certificate ng mga Pinoy ng EU

Housing project ng Marcos administration, malaki ang maitutulong para mapaluwag ang urban areas sa bansa gaya ng NCR — NAPC

Malaking bagay sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng Marcos administration. Sinabi sa Laging Handa Public Briefing ni NAPC lead convenor Secretary Lope Santos lll na isa ang urban decongestion sa kanilang itinataguyod na adbokasiya at magandang pagkakataon ang proyektong pabahay ng administrasyon para maabot ang decongestion effort. Tuhog… Continue reading Housing project ng Marcos administration, malaki ang maitutulong para mapaluwag ang urban areas sa bansa gaya ng NCR — NAPC

State of Calamity, ipinadedeklara dahil sa ASF outbreak

Iminumungkahi ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na magdeklara ng State of Calamity sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever (ASF). Sa paraan aniyang ito ay mas magiging madali ang pagkakasa ng emergency measures, upang mapigilan ang paglawak ng epekto ng ASF sa suplay ng karne ng baboy. Sa kasalukuyan, 54 na probinsya… Continue reading State of Calamity, ipinadedeklara dahil sa ASF outbreak

‘Charlie’ Emergency Protocol, ipinatupad ng NDRRMC sa Regions 4A, 5, 8

Pinagana na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Charlie emergency protocol sa Regions 4A, 5, at 8 dahil sa tropical depression “Amang”. Ayon kay Office of Civil Defense Information Officer Diego Mariano, ang Charlie protocol ang pinakamataas na protocol sa mga emergency, kasunod ng Bravo at Alpha protocol. Hiwalay pa ito… Continue reading ‘Charlie’ Emergency Protocol, ipinatupad ng NDRRMC sa Regions 4A, 5, 8

Sen. Imee Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng AICS para sa mga benipersaryo sa Silang, Cavite

Nagsimula na ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa Silang, Cavite ngayong araw. Ayon kay Senador Imee Marcos layon ng nasabing programa na matulungan ang mga residente sa kanilang gastusin lalo pa’t tumataas ang mga bilihin at upang makabangon sa epekto ng pandemya. Aabot sa isang libong benepisyaryo ang makatatanggap ng… Continue reading Sen. Imee Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng AICS para sa mga benipersaryo sa Silang, Cavite

Malacañang, nagbibigay-pugay sa mga magsasaka, mangingisda ngayong Filipino Food Month

Nagbibigay-pugay ang Malacañang sa mga mangingisda at magsasaka ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Pagkaing Pinoy. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakatuon ang pagdiriwang ng Filipino Food Month sa pagkilala sa mga Pilipinong magsasaka at mangingisda. Sila, ayon sa PCO, ang nagbibigay pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga pamilyang Pilipino kaya’t marapat lang ialay sa… Continue reading Malacañang, nagbibigay-pugay sa mga magsasaka, mangingisda ngayong Filipino Food Month