Paggamit ng QR code pambayad sa palengke, pasahe sa tricycle sa buong bansa, pinag-aaralan

May pagpupulong na isinasagawa hinggil sa mithiin ng pamahalaan na iimplementa ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa. Ito, ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ay sa pamamagitan ng Quick Response o QR code.Ayon sa PCO, makakatulong dito ng pamahalaan ang Land Bank of the Philippines sa… Continue reading Paggamit ng QR code pambayad sa palengke, pasahe sa tricycle sa buong bansa, pinag-aaralan

Curriculum ng National Academy of Sports, inaasahang matatapos sa loob ng 2 taon

Nangako si National Academy of Sports (NAS) System Executive Director Josephine Joy Reyes sa mga mambabatas na malapit nang matapos ang binubuo nilang sports curriculum para sa NAS. Sa pulong ng House Committee on Basic Education and Culture, nausisa ni Pasig Representative Roman Romulo, chair ng komite, kung ano na ang estado ng binubuong curriculum… Continue reading Curriculum ng National Academy of Sports, inaasahang matatapos sa loob ng 2 taon

SIM Card Registration, walang extension — DICT

Patuloy hinihikayat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na iparehistro na ang kanilang mga SIM Card at huwag nang hintayin pa ang deadline sa April 26, 2023. Ayon kay DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, wala pa rin silang planong palawigin ang sim registration period kaya ang mga hindi… Continue reading SIM Card Registration, walang extension — DICT

NGCP, naghahanda na sa epekto ng bagyong Amang

Puspusan na ang paghahanda ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa magiging epekto ng bagyong Amang sa bansa partikular na sa mga transmission operations at facilities sa bansa. Ayon sa NGCP, kabilang sa inilatag nitong precautionary measures ang kahandaan ng pasilidad ng komunikasyon, pagtitiyak sa mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng mga masisirang… Continue reading NGCP, naghahanda na sa epekto ng bagyong Amang

2 domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang dalawang domestic flights kasunod ng nararanasang masamang panahon sa destinasyon. Sa abiso ng MIAA kabilang sa kanseladong flight ang Cebu Pacific (5J) 5J 821/822 Manila-Virac-Manila CebGo (DG) DG 6113/6114 Manila-Naga-Manila Ginawa ang kanselasyon ng flight bilang pag-iingat sa mga pasahero at crew ng eroplano. Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline… Continue reading 2 domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

Ilang baybayin sa bansa, apektado pa rin ng red tide

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa apat na baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa… Continue reading Ilang baybayin sa bansa, apektado pa rin ng red tide

Unang Lunes ng Agosto, pinadedeklara bilang Line Workers Appreciation Day

Bilang pagkilala sa serbisyo at kontribusyon sa bayan ng mga line worker, ay pinagtibay ng Kamara ang House Bill 7426. Sa ilalim nito ay idedeklara ang unang Lunes ng Agosto ng kada taon bilang Line Workers Appreciation Day. Inaatasan ang National Electrification Administration (NEA) na pangunahan ang pagdaraos ng national convention bilang bahagi ng programa… Continue reading Unang Lunes ng Agosto, pinadedeklara bilang Line Workers Appreciation Day