Naipit sa matinding daloy ng trapiko ang ilang pasahero pabalik ng Metro Manila matapos ang paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Rico, 25 oras ang kanilang naging byahe. Alas-2 ng madaling araw sila umalis ng Naga, Bicol at alas-3 ng madaling araw na sila nakarating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
May mga pasaway aniya na van na mahilig mag-counterflow sa Pamplona.
Dalawang linya lang din ang ilan sa mga kalsada kaya’t kapag may nag-counterflow umaabot sa isang oras bago ito maisaayos.
Sinabi naman ng PITX delayed ang pagbalik ng bus mula sa Quezon Province matapos maipit sa daloy ng trapiko sa San Pablo, Laguna. | ulat ni Don King Zarate