25 probinsya, inaasahang maapektuhan ng pagtama ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang nasa 25 probinsya sa Pilipinas ang maaapektuhan ng pagtama ng El Niño sa bansa, sa ikatlo at ikaapat na kwarter ng 2023.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na kahit hindi pa matukoy ng PAGASA kung malala o gaano kalala ang tatamang El Niño ngayong taon, ang Department of Agriculture (DA), pinaghahandaan na ang anomang epekto nito.

Binuhay na aniyang muli ang El Niño Task Force kung saan magiging katuwang ng DA ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, upang matiyak na sapat at angkop ang mga aktibidad at pondo na kakailanganing mula sa patubig, crop stages, hanggang sa iba pang pangangailangan.

Una nang sinabi ng DA na nakatutok ang kanilang hanay sa mga water – related infrastructure, bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa kakailanganing patubig, sa panahon tag-tuyot.

“Sa ngayon, masisigurado ng Kagawaran ng Pagsasaka sa pakikipagugnayan sa DOST – PAGASA at sa lahat ng ahensya na nakatugon ang DA posibleng epekto ng El Nino, at masisiguro natin na mami-minimize ang lahat ng posibleng negative implication o impact ng El Nino sa ating mga magsasaka at mangingisda, at makakasigurado po tayo ng sapat na suporta mula sa pamahalaan, para sa mga magsasaka, papunta po sa ating mga consumers.” —Asec de Mesa.

| via Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us