4 katao na nagtangkang magpuslit ng forest products, hinuli at kinasuhan ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon Province Prosecutors Office ang apat katao na sangkot sa pag-transport ng forest products ng walang kaukulang dokumento.

Kinilala ang mga akusado na sina Mavie Jusayan Catarus-Escovar, Juanito Gonzales Lara Jr., Julius Ambarado Merencillio, at Obeth Gulong Doinog.

Batay sa ulat ng NBI–Lucena District Office, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa ilegal na pagpuslit ng mga forest product mula sa Calbayog Samar.

Dahil dito, naharang ng mga NBI Agent ang 12-wheeler truck na naglalaman ng 7,000 board feet ng kahoy na ‘Lauan’ sa barangay Malicboy, Pagbilao Quezon.

Nakatakda sana itong i-deliver sa Malvar Batangas.

Dahil sa kawalan ng maipakitang kinakailangang dokumento mula sa government authorities ay kinumpiska ang mga kahoy at inaresto ang apat katao. | ulat ni Rey Ferrer

Photo: NBI

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us