Landbank at DBP merger, pinabubusisi sa senado

Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros na magkaroon ng Senate Inquiry patungkol sa panukalang merger ng Development Bank of the Philippines (DBP) at ng Land Bank of the Philippines. Sa inihaing Senate Resolution 579 ng senadora, muli nitong pinahayag ang kaniyang agam-agam sa “potential risk at benefits” na maaaring idulot ng hakbang na ito sa ekonomiya… Continue reading Landbank at DBP merger, pinabubusisi sa senado

SDS Arroyo, sinaksihan ang pagpapasinaya sa rebulto ng ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa PMMA

Pinangunahan ni Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagpapasinaya sa life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Philippine Merchant Marine Academy sa San Narciso, Zambales. Ito ay bilang pagkilala ng PMMA sa paglagda ng dating pangulo sa batas na nagco-convert sa Philippine Nautical School bilang… Continue reading SDS Arroyo, sinaksihan ang pagpapasinaya sa rebulto ng ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa PMMA

Senadora Loren Legarda, nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Nakiisa si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. Sa isang pahayag, kinilala ni Legarda ang mga kontribusyon ng mga kapatid na muslim sa pag-unlad ng bansa. Sinabi ng senadora na ang matatag na dedikasyon ng mga kapatid nating muslim sa kanilang pananampalataya, kultura, at tradisyon ay nagpapayaman sa ating lipunan.… Continue reading Senadora Loren Legarda, nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Suspek sa pagpatay sa isang senior citizen sa QC, huli sa isinagawang follow-up ops sa Caloocan

Nahuli sa follow-up operation ng pulisya sa Caloocan City ang isang lalaki na umano’y sangkot sa pagpatay sa kapitbahay na babaeng senior citizen sa Novaliches, Quezon City. Kinilala ni PLtCol. Jerry Castillo, hepe ng QCPD Station 4, ang suspek na si Jason De Guzman. Nakalista siya bilang Top 5 Most Wanted person ng naturang istasyon.… Continue reading Suspek sa pagpatay sa isang senior citizen sa QC, huli sa isinagawang follow-up ops sa Caloocan

Sen. Sherwin Gatchalian, hinimok ang DICT na maglatag ng plataporma para sa automation ng mga LGU

Pinaglalatag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng kinakailangang plataporma para sa mga marginalized local government units (LGUs) na i-automate ang kani-kanilang operasyon kabilang ang tax administration. Ayon kay Gatchalian, mahalaga na ang lahat ng mga LGU, lalo na ang mga nasa lower income class level, ay mayroong mga… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, hinimok ang DICT na maglatag ng plataporma para sa automation ng mga LGU

Gobyerno, pinaaaksyon laban sa wholesale recruitment ng mga pinoy healthworkers patungong ibang bansa

Pinakikilos ni Senadora Pia Cayetano ang gobyerno laban sa sinasabing wholesale recruitment ng mga Filipino healthworkers sa ibang bansa. Ito ay kasunod ng impormasyon na ilang foreign recruiters ang direkta nang nagtutungo sa mga ospital at mga paaralan at kadalasang nirerecruit ang isang medical team. Sinabi ng senadora na ang ganitong mga hakbangin ay maituturing… Continue reading Gobyerno, pinaaaksyon laban sa wholesale recruitment ng mga pinoy healthworkers patungong ibang bansa

Bisa ng driver’s license, pinalawig ng LTO hanggang Oktubre 31

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mapapaso na simula Abril 24, 2023. Nilagdaan ngayong araw ni LTO Chief Jay Art Tugade ang Memorandum Circular na nagpapalawig ng validity ng drivers license hanggang Oktubre 31, ngayong taon. Maliban dito, maituturing na waived o hindi na sisingilin ang multa sa late… Continue reading Bisa ng driver’s license, pinalawig ng LTO hanggang Oktubre 31

DFA, nakapagtala ng isang Pilipinong sugatan sa nangyayaring tensyon sa Sudan

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang naitalang sugatan sa nangyayaring tensyon sa bansang sudan. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega, na nasa maayos nang kondisyon ang naturang OFW at kasalukuyang nagpapagaling na. Kaugnay nito, nasa 87 request na ang natatanggap ng DFA para sa repatriation ng… Continue reading DFA, nakapagtala ng isang Pilipinong sugatan sa nangyayaring tensyon sa Sudan

4 katao na nagtangkang magpuslit ng forest products, hinuli at kinasuhan ng NBI

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon Province Prosecutors Office ang apat katao na sangkot sa pag-transport ng forest products ng walang kaukulang dokumento. Kinilala ang mga akusado na sina Mavie Jusayan Catarus-Escovar, Juanito Gonzales Lara Jr., Julius Ambarado Merencillio, at Obeth Gulong Doinog. Batay sa ulat ng NBI–Lucena District Office, nakatanggap… Continue reading 4 katao na nagtangkang magpuslit ng forest products, hinuli at kinasuhan ng NBI

Garment industry ng Pilipinas, inaasahang mabubuhay sa ilalim ng ganap na paggulong ng RCEP

Umaasa ang Economic Team ng Pilipinas na sisigla at mabubuhay ang iba’t ibang industriya ng bansa, sa oras na maging ganap na ang paggulong ng Regional Comprehensive Economic Cooperation (RCEP) sa bansa. Pahayag ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, kasunod ng pag-aruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board… Continue reading Garment industry ng Pilipinas, inaasahang mabubuhay sa ilalim ng ganap na paggulong ng RCEP