National Schools Press Conference, kasado na sa Cagayan De Oro City sa Hulyo

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng National Schools Press Conference na gaganapin sa Cagayan De Oro City, ngayong taon. Batay sa DepEd Memorandum Number 24, series of 2023, isasagawa ang NSPC mula July 17 hanggang 21 kung saan magsisilbing host region ang Northern Mindanao at host Schools Division Office ang Cagayan De… Continue reading National Schools Press Conference, kasado na sa Cagayan De Oro City sa Hulyo

Konsyerto sa Palasyo, magbibigay pagkakataon sa mga bagong artists na ipamalas ang kanilang talento

Magmumula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga bagong performing artist na magpapamalas ng kanilang talento sa gaganaping Konsyerto sa Palasyo, bukas ng gabi, April 22. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Creative Consultant Cris Villonco na ang inisyatibong ito, bukod sa pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo ng Pilipinas ay magbibigay… Continue reading Konsyerto sa Palasyo, magbibigay pagkakataon sa mga bagong artists na ipamalas ang kanilang talento

Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Nagtalaga ng mga bagong opisyal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) kabilang sa mga itinalaga sina: Executive Director Victorino Manalo sa ilalim ng National Archives of the Philippines. Itinalaga rin si Provincial Trade and Industry Officer Wena Buston, sa ilalim ng Department of… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

OVP Public Assistance Extension Office sa Batangas, makikipag-ugnayan sa LGUs para maipaabot ang serbisyo sa CALABARZON

Nagsimula nang tumanggap ng mga kliyente ang Public Assistance Extension Office ng Office of the Vice President sa Lalawigan ng Batangas. Ayon sa administrator nito na si Bernadette Sabili, hindi lamang mga taga-Batangas ang tinutulungan ng tanggapan dahil marami na rin ang lumalapit mula sa Quezon at Laguna. Kaugnay nito, makikipag-usap si Sabili sa local… Continue reading OVP Public Assistance Extension Office sa Batangas, makikipag-ugnayan sa LGUs para maipaabot ang serbisyo sa CALABARZON

Licensure exams ng PRC, gawin na ring digital ayon sa isang mambabatas

Panahon nang imodernisa ang licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC) gaya ng ginawa ng Korte Suprema sa Bar examination. Ayon kay Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza, kapuri-puri ang repormang ikinasa ng Korte Suprema gaya ng digitization ng Bar exams. Umaasa ang mambabatas, na sa matagumpay na digitized Bar exams… Continue reading Licensure exams ng PRC, gawin na ring digital ayon sa isang mambabatas

Heat index ngayong long weekend, posibleng pumalo sa 49°C

Posibleng umabot sa 49°C ang heat index na mararamdaman partikular sa Cabanatuan City, ngayong long weekend, o sa ika-23 ng Abril, araw ng Linggo. Ang heat index ay ang pinagsamang init o temperatura ng hangin at ang dala nitong moisture, na nararamdaman ng tao. Sa briefing ng Laging Handa sinabi ni PAGASA Dr. Marcelino Villafuerte… Continue reading Heat index ngayong long weekend, posibleng pumalo sa 49°C

Security officer na namemeke ng lisensya, arestado ng PNP-SOSIA

Hawak na ngayon ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang isang security officer matapos maaresto dahil sa pamemeke ng lisensya. Kinilala ni PNP CSG Director, Police Brigadier General Benjamin Silo Jr. ang suspek na si June Reyes Geminiano. Nahuli sa akto si Geminiano na nag-deliver ng pekeng License to Exercise… Continue reading Security officer na namemeke ng lisensya, arestado ng PNP-SOSIA

Media Guide sa pag-uulat ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga, inilunsad

Inilunsad ngayon ng network ng advocacy group na Drug Policy Reform Initiative (DPRI) ang kauna-unahang media guide para sa pag-uulat ng drug related crimes sa bansa. Ayon kay Atty. Kristine Mendoza, lead convener ng DPRI, layon ng media toolkit na gabayan ang mga mamamahayag sa mas akmang pag-uulat ng isang balita tungkol sa iligal na… Continue reading Media Guide sa pag-uulat ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga, inilunsad

E-Travel Policy, pinarerebyu ni Atty. Laron Gadon

Umaapela si Atty. Larry Gadon sa Department of Health at Bureau of Immigration na rebyuhin nito ang Electronic Travel Policy na ipinatutupad sa mga biyahero na lalabas at papasok ng bansa. Base sa karanasan ni Gadon, masyado umanong mahigpit ang E-Travel Policy ng DOH at BI dahil hindi naman nito nahaharang ang mga biyahero na… Continue reading E-Travel Policy, pinarerebyu ni Atty. Laron Gadon

Pagtuturo ng Tagalog sa Harvard University, ‘ source of great national pride’ — House Speaker Romualdez

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang hakbang ng Harvard University na magbukas ng kurso o programa kung saan ituturo ang ‘Tagalog’. Ani Romualdez, isang bagay na maipagmamalaki ng mga Pilipino na mapabilang ang isa sa wika nito sa mga programang ituturo ng unibersidad. Umaasa din ang House leader na yumabong ang naturang kurso at… Continue reading Pagtuturo ng Tagalog sa Harvard University, ‘ source of great national pride’ — House Speaker Romualdez