MARINA, PCG, pinaalalahanan ang lahat ng maglalayag ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lahat ng regional offices na tiyaking nasusunod ang mga panuntunan sa paglalayag ng mga barko.

Kasabay nito ay ipinag-utos din ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia na makipag-ugnayan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ????? ???????? ????: ?????? ????? ????.

Layon nito ang mapalakas ang suporta ng bawat ahensiya lalo na ngayong may mahabang bakasyon.

Nagpalabas din ng circular ang MARINA, Circular No. 2018-07 na magkakabisa ngayong Semana Santa 2023 na nagsasaad na maaaring habulin ng pasahero ang refund sa pasahe sa sandaling mabalam ang biyahe, makansela o hindi nakarating sa kanilang destinasyon.

Ang MARINA at ang Philippine Goast Guard (PCG) ay nagdeklara na ng heightened alert status sa kanilang mga nasasakupan na tatagal hanggang April 10, 2023. | ulat ni Lorenz Tanjoco

?: MARINA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us