48k pamilya sa Mindanao, makikinabang sa nilagdaang MOU ng apat na LGUs para sa Pambansang Pabahay Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang lalawak pa ang bilang ng mga pamilyang pilipino na makikinabang sa Pambansang Pabahay program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay matapos na lumagda na rin sa memoranda of understanding sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga alkalde ng Cagayan De Oro City, Gingoog, Opol sa Misamis Oriental, at Tubod sa Lanao del Norte na mga lalawigan sa Mindanao.

Ayon sa DHSUD, katumbas ng 60 ektarya ng lupain ang sakop ng housing project sa apat na LGUs kung saan itatayo ang ilang medium-high-rise buildings.

Oras na makumpleto ito, karagdagang 48,000 pamilya sa Mindanao ang inaasahang makikinabang sa naturang pabahay.

Sa kanyang mensahe, ipinunto naman ni DHSUD Sec. Acuzar ang malaking papel ng mga lokal na pamahalaan para sa pagkamit ng tagumpay ng flagship housing program ng administrasyon.

“The huge housing backlog is not just a figure we need to close. Each number represents a family needing a roof over their heads. As we pursue our mandate and push for the administration’s 4PH Program, we recognize the important role of local government units,” Secretary Acuzar.

Nangako rin ang kalihim ng all-out support sa mga LGU na bahagi ng pabahay program.

Sa kasalukuyan, nasa higit 130 na LGUs na ang nag-commit sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: DHSUD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us